Monday, July 20, 2009

Aktibista

Naalala ko, first year ako nun noong pumasok sila kuya sa amin. Sinong kuya? 'yong mga aktibista sa aking sintang paaralan. Yun ding mismong araw na 'yon nila ako na-recruit sa LFS.

Una, ganoon din ang pagtingin ko sa mga tibak, tulad rin ng sa karamihan. Para sa akin, wala silang ginawang matino kundi mag-ingay, magpapansin, umani ng 5 sa klase at gumawa ng trapik. Pero binago ng unang pagkikitang 'yon ang persepsyon ko.

"Good morning mga classmates" Paunang bati ni kuya. Hindi ko naman alam kung dapat akong magreply ng "Good morning din, now you may go" Bwisit talaga ako sa kanila. Tinitigan ko lang. Ayun, nagsimula nang magsalita, tungkol lang naman sa kung ano-ano...history ng school namin, na ito daw ay natayo dahil sa pagsisikap at patuloy na pakikibaka ng mga aktibistang tulad nila, buti nga ulit hindi ako inatake ng pagka-Pilosopo at 'di ko na-itanong na "Mga construction worker po ba ang mga ninuno n'yo?" Hindi naman ako masyadong nakinig, busy ako sa pakikipagkwentuhan tungkol sa NBA finals, kung sino sa Boston at Lakers ang mananalo.

Hanggang sa pahagip na narinig ng tenga ko ang mga litanya n'ya "Masuwerte na tayo kung merong dalawang electric fan ang room natin, at lalong masuwerte kung parehas gumagana dahil kadalasan dalawa nga yan, ung isa sira pa. Ganyan ang kalunos-lunos na kalagayan ng eskwelahan natin" nang marinig ko yun, tumingala ako na para bang nagahahanap ng butiki para matiyak ang katotohanan sa mga salitang binitawan ni Kuya from LFS. Anak ng Putsa, totoo nga, isa lang ang umiikot na electricfan sa room namin. Dun, itinigil ko muna ang pakikipagdaldalan ko tungkol sa basketball at nakinig ako sa kanya. Parang ngayon ay nagkaka-sense na ang mga sinasabi n'ya para sa akin.

"Bulok ang mga pasilidad natin, butas ang mga bubong ng klasrum, kulang ang mga upuan at ano ang pinagkakagastusan ng Administrasyon? Iyan, (may tinuro s'ya sa baba) 'yang Linear park. Ang ganda diba? Makakapagklase ba tayo d'yan?" Oo nga naman, imbes na gastusin na lamang para sa pagpapaayos ng mga klasrum ay ginamit sa pag-papaganda ng mga kung ano-anong imprastaktura na kung tutuusi'y hindi naman kailangan at hindi naman mapapakinabangan ng mga estudyante.

"Ang gobyerno natin, imbes na unahin ang edukasyon, militarisasyon ang inuuna! Ikumpara mo ang sahod ng mga guro natin sa sahod ng mga sundalo nila, Ikumpara n'yo ang mga klasrum natin sa mga kampo nila. Alam n'yo ba na ang ginagastos sa ating mga estudyante ng pamahalaan sa loob isang araw ay 10 piso lamang samantalang ang ginagastos sa isang bala ng m-16 ay 14 piso, para san? Pambaril ng mga ibon, pang-paingay sa bagong taon." Hindi naman para sila puro ingay, may kwenta rin ang pinagsasabi nila. Hindi pala sila yung tipong nagrarally lang para di maka attend ng klase. May pinaglalaban nga sila!

"Ang Presidente natin, ang mga kawani n'ya, ayun...sarap na sarap sa de-aircon nilang opisina...samantalang tayo, heto...nag t-tyaga sa mga inaamag nang pasilidad sa nabubulok na mga classrooom. Bakit hindi nila gawan ng paraan? Imbes na pagandahin nila ang Linear Park, ang catwalk, ang Obelisk. Imbis na ilagay nila dito at gastusan ng milyon ang Mabini shrine na kung tutuusi'y hindi naman natin magagamit, sana pagtuunan na lang nila ng pansin ang edukasyon."
Bulag lang ang hindi makakakita na tama ang sinasabi n'ya.

Hihiram muna ako ng mga salita kay Prof. Aga.

Sa panahong hirap ang dinaranas natin, pagkalugmok sa sistema, pagpapahirap at pang-gigipit ng mga nasa pwesto; Sa panahong mas inuuna ng mga "Pulic Servant" ang paglilingkod sa interes ng dayuhan at mayaman kesa sa interes ng mamayan; Sa panahong hindi na karapatan ang edukasyon kundi isa nang pribilehiyo, at walang ginagawang aksyon ang pamahalaan; Sa panahong masyado nang api at busabos ang mga manggawa at magsasaka; Sa panahong ang paglaban para sa iyong karapatan ay sinasalubong ng kamay na bakal ng estado. Sa Panahon kung saan ang kabataan ay tinatawag na upang makilahok at maging parte sa pag-guhit ng kasaysayan, Ito ang panahong kinakailangan nang lumaban.

kaya,

"'wag mong itanong kung bakit sila aktibista, ang itanong mo, kung bakit hindi ka aktibista"

Saturday, July 18, 2009

Wala by Kamikazee

Napanuod sa telebisyon,
Inuuto ang neysyon,
Nakamit daw ekspekteysyon,
Sa kanyang imagineysyon
Walang nangyare, wala naman nabago
Parehong kwento, sino ba ang niloloko mo?


Wala naman kaming napala,
Wala! Wala! Wala! Wala!
Meron pa bang naniniwala?
Wala! Wala! Wala! Wala!
Wala ka naman kasing nagawa.
Wala! Wala! Wala! Wala!
Wala na sayong naniniwala!


Sabi mo merong solusyon
Sa paberti at mas starbeysyon,
Nabawasan daw konsumisyon,
Dis kol por a selebreysyon.
Pero walang nangyari, walang nagbago
Parehong kwento, sino ba ang niloloko mo?
Wala naman kaming napala
Lalo lang lumalala


========================

Mga kababayan ko

Gumising na kayo

Sobra na ang tulog niyo

Binabangungot na kayo.

^-^

Friday, July 17, 2009

"Con-Ass" and the people's wrath.

PUBLISHED ON June 16, 2009 AT 5:33 PM

By CAROL PAGADUAN-ARAULLO

Streetwise / Business World

Posted by Bulatlat

The anti-Charter change (Chacha) and anti-Arroyo forces had barely a week to mount the muscle-flexing protest action yesterday in Ayala Avenue, Makati City and in major urban centers nationwide. They achieved a big measure of success by gathering thousands in Makati and hundreds if not thousands more in various cities and big towns nationwide. They displayed broad participation by the organizations of the basic sectors among the working people, the civic, professional and artist groups, the Catholic religious congregations and some bishops, the protestant churches, the opposition leaders and parties, and government officials and military/police officers critical of the Arroyo regime.

Earlier mini-protests erupted in various parts of Metro Manila and “viral” protest spread as well in the virtual world of the internet giving a foretaste of what could lie ahead for the Arroyo clique as it schemes, manipulates and buys its ways to staying in power beyond 2010, the Constitutionally-mandated end of GMA’s term in office.

There is no denying that a vast majority of the people have had enough of Mrs.Arroyo and her ilk. The crimes of her regime just keep mounting despite the many times that she has been caught red-handed. She has willfully ignored calls for accountability by the people, by the political opposition, religious and business leaders and even by the international community appalled at rampant human rights violations.

Shamelessly, Mrs. Arroyo has clung to power; she has refused to resign. She has used emergency rule and various other draconian measures including extrajudicial killings, militarization of rural and urban poor communities, illegal arrest and detention and the filing of trumped-up criminal charges against her perceived enemies, to prevent her ouster through popular uprising.

Mrs. Arroyo and her clique have come up against Constitutional term limits that makes her stepping down from power a given. She could appoint a loyal and pliant presidential candidate for the national elections in 2010 and utilize all the dirty tricks in the books (and some she has invented) to make that candidate “win” in order to buy political insurance for herself and her cohorts. The same way she preempted every impeachment move by buying off the “honorable” members of the HOR; the way she squelched every investigation into anomalies of her administration by appointing a subservient Ombudsman; and the way she stopped every attempt to pry open inquiry into the most scandalous of corrupt government deals by her hold on the Supreme Court, majority of whom are her appointees.

But obviously that isn’t enough to ensure protection from being haled to court once she loses her presidential immunity. Similarly, she cannot predict where the political winds may blow once out of power; political debts can be easily forgotten or overtaken by the pressing concerns of the new administration whose own interests may no longer coincide with that of Mrs. Arroyo.

This is the real reason for the desperate, despicable and brazenly unconstitutional move called “Con-Ass”, recently railroaded by Mrs. Arroyo’s allies in the House of Representatives (HOR), by the mere expedient of a majority vote on House Resolution 1109 sponsored by no less than Speaker Prospero Nograles. H.R. 1109 empowers Congress to convene as a constituent assembly in order to revise the Philippine Constitution by two thirds of all congressmen and senators voting jointly. And since the more than 200 members of the Lower House vastly outnumber the 24 members of the Senate, this bogus Constituent Assembly can be convened and make revisions in the Charter even without a single senator participating.

The illegal and fake Constituent Assembly, packed by Arroyo allies whose compliance to her marching orders are ensured by millions-worth of incentives, will undertake the shift to a parliamentary system from the current presidential system. In this way, Mrs. Arroyo can run as a representative in her congressional district and manipulate her way into becoming prime minister later on by simply buying off the majority of members of parliament.

Time and so many legal impediments seem to make this scenario untenable. Still, all the moves of Mrs. Arroyo and her allies constitute an undeniable trail of deception, lies, maneuvers, buy-offs and quid-pro-quos that point the way to this as the major ploy of the Arroyo clique.
Despite Mrs. Arroyo’s posturing that the merger of the two political parties loyal to her, the Lakas-CMD and Kampi, is proof positive that the 2010 presidential elections are pushing through as scheduled, the truth is such a merger party is precisely what Mrs. Arroyo will use to bamboozle the opposition once she moves to get the prime minister position in a new Parliament.
For someone supposedly so focused on the business of running the country, Mrs. Arroyo has noticeably gone on frequent sorties into her hometown and adjoining towns, part of the Congressional district in Pampanga where she will likely run for congressperson. Now why should a former president of the country be interested in running for the lowly post of a congressperson if this isn’t the stepping stone to the most powerful post in a parliamentary form of government?

Will the fear of the people’s wrath give pause to Mrs. Arroyo and her evil cabal of plotters? At this point it is clear that this hardly is the case. The Arroyo clique has taken an important lesson from the Marcos Dictatorship on what are crucial to achieve their Machiavellian designs. First is to secure the backing of the United States government (it will give the “democratic” imprimatur to the recycled Arroyo regime via Con-Ass and shift to parliamentary system). Then ensure the loyalty of the military and police generals; the blessings of enough voices among the church hierarchy and big business community; and the chorus of servile “ayes” from so-called parliamentarians and local government officials fattened by pork barrel and other perks.

The Arroyo clique is betting that the elite classes who rule this country and the lone Super Power, the US of A, can be enticed to see things its way; that is, the Arroyo clique’s narrow interests as key to protecting and upholding their own immediate and strategic interests. For example, apart from changing the Charter in order to make possible Mrs. Arroyo’s continuing hold on the reigns of power in this country, Mrs. Arroyo uses as bait constitutional amendments that will allow foreign investors to acquire ownership and control over all natural resources and economic enterprises to the extent of 100 per cent and to sell out the economic sovereignty and national patrimony of the Filipino people.

US and other foreign military forces are to be allowed unrestricted stay and operations in the Philippines not just by means of the RP-US Visiting Forces Agreement (VFA) but by Constitutional fiat. Many of the constitutional provisions against the basing of foreign military forces and nuclear, chemical, biological and other weapons of mass destruction on Philippine soil are under threat of being excised from the basic law of the land. The Arroyo regime also wants to remove the constitutional restraints on martial law, emergency rule and violations of human rights. It seeks to undermine formal guarantees of civil and political liberties in the bill of rights achieved in the wake of the people’s victory over the US- backed Marcos dictatorship.

One lesson that the Arroyo clique has obviously failed to learn is that the inevitable ending for dictators and would-be dictators in this country and elsewhere in the world is the dust-bin of history. The people’s wrath and courageous, persistent mass struggles will definitely see to that. (Bulatlat.com)

---------------------------------------------------------------

Pasasalamat sa Bulatlat.com para sa artikulo.

Sunday, July 12, 2009

Binhi ng Rebolusyonaryo.

Nabanaag ko sa iyong mga mata ang pagsabog ng ligaya.
Habang pataksil na nilisan ng mga panaghoy ang aking bibig.
Saksi ang mapanglaw na liwanag sa pagpulandit ng masaganang dugo-
kiming naghimagsik, palihim na lumuha at tagong nagpa-abot ng pakiramay.
Samantalang ang katahimikan ay nagwiwika, nagbibigay babala.
Pagbabadya na ang kapayapaan ng gabing minsa'y binasag ng aking mga sigaw
ang siya ring paghihimlayan ng poot at pighati,
pagkukublihan ng mga naganap na karahasan,
magpapahupa at hihilom ng kasawian.
Na kagyat ding mahahawi sa kanyang gunita.
Kawangis ay unos, nakiraan dulot ay pinsala-
ngunit baon ay kasiguraduhan ng pagsilang ng araw sa landas na tinahak.
Oo nga't kakambal na ng buhay ang kamatayan.
Subalit ang kamatayan para sa bayan ay isang bagay na di matutumbasan-
ng kung ilan pa mang kamatayan.
Sapagkat ito'y isang oportunidad na minsan lamang dumarating,
isang mailap na bisitang tanging yaong may tapang ang humaharap.
Walang silong para sa karuwagan.
Putang ina mo Berdugo, sasapit din ang araw ng pagtutuos.
Sige iputok mo, ang dinuduyang rebolber, kalabitin ang gatilyo.
Dahil ang aking galit ay galit din ng sambayanan.
At ng kung ilan pa mang dumanas ng parehong kapalaran.
Sa bungong sasabog, iguguhit namin sa letrang di mapupudpod-
ang mga talinhaga, ang kamatayan ng isa.
Sa gulagulanit na laman ay itatanim ang karet at maso,
upang magsilbing apoy na s'yang sisibol-
at aanihin ng mga naiwan at darating pa.
Silang dakila ang magtataguyod ng Rebolusyon!

Saturday, July 11, 2009

Say No to GMA !

“Magpaka-bato ayun na lamang ako”

Iyan ang katagang unti-unting bumubuo at pilit na sinasasakop ang kabuuan ng ating isipan sa tuwing may nababalitaan tayong anomalya na kinasasangutan ng “public officials” na tayo mismo ang naghalal. Mas pinipili na lamang natin ang magbulagbulagan at magpakamanhid sa masaklap at di katanggap tanggap na katotohanan. Hindi na tayo nagugulat sa laki ng perang kinukurakot at pinangsusuhol sa kung kani-kanino para lamang manahimik ang nagdudutdot sa akusado. Kahit karamihan sa atin ay sukang-suka na sa mga nangyayari, ayaw na lamang nating kumilos dahil alam nating wala ding mangyayari. Papagurin lang natin ang ating sarili at mabibilad lang tayo sa init ng araw sa kaka-rally. Para ano? Para mapalitan ang kasalukuyan nakaupo sa gobyerno ng mga bagong mangungurakot? Kaya naman tuwang tuwa ang mga nasa pwesto dahil alam nilang suko na tayo! Pero hindi. Wag! Hindi nararapat at lalong hindi karapat-dapat manahimik na lamang sa isang sulok at magbingibingian sa totoong nangyayari sa lipunan! Isang kahibangan ang pagpili ng mali at lalong hindi maitatama ng isang pagkakamali ang isang pang pagkakamali.


Wala ng kahihiyan ang mga nasasangkot sa ibat-ibang anomalya bagkus pakapalan ng mukha ang namamayani sa mga tinatawag nating "public servants". Ang mga magnanakaw sa gobyerno, kahit huling-huli sa akto ay buong tapang na haharap sa camera at pilit na gagawing puti ang itim, gagawing kapuri-puri ang masama at pilit na pinipilipit ang katotohanan. Tama na. Sobra na. Kailangan na nating lumaban para sa katotohanan!


Napakalala na ng krisis na hinaharap ng ating bansa. Marami ng mamamayan ang diskuntento sa kasalukuyang rehimen kung kayat kailangan na nating ng ibayong pagpapalakas sa pagkakaisa at pagibayuhin ang pakikibaka ng ating kababayan para maipalaban natin ang karapatan na naaapakan ng makapangyarihan, mayayaman at maimpluwensya. Kailangan natin ng pagtutulungan upang matamo ang pambansang kalayaan para na rin sa ikauunlad ng bawat isa sa atin.


Ang lakas at kapangyarihan ng masa ang siyang magpapasya. Tayo’y makipagisa sa mga progresibong hanay at positibong pwersa. Buuin natin ang mga taktikal na alyansa at pormasyon na may malinaw na pagkakaisa at paninindigan. Aktibo nating gampanan ang ating katungkulan, responsibilidad at obligasyon [o kung anu man ang twag dun] bilang mamamayan ng bansang Pilipinas – Bayan ng Perlas ng Silanganan. Palakasin at palawakin natin ang ibat-ibang kilusan na tulad nati’y sawa na sa takbo ng pamamalakad ng maituturing nating nasasakdal. Darating din ang tamang panahon na magtatagumpay ang ating ipinaglalaban.


“The people united, will never be defeated!”


Sobra na, Tama na, Patalsikin na natin siya!
No to Charter Change! Enough of Gloria!
Panagutin sa ginawang krimen sa taong bayan.

Tuesday, July 7, 2009

Walk out sa July 10!


Sa July 10 ay gaganapin ang National day of youth protest.

Inaanyayahan ko ang mga kapwa ko estudyante na lumabas ng inyong mga silid aralan at tumungo sa lansangan. Ipapakita natin sa papet na pamahalaang ito na sawa na ang kabataan. Tama na ang walong taong pahirap!

Huwag tayong tumanghod na lamang at magpaka-kimi. Samahan n'yo kaming i-guhit ang kasaysayan.
Kabataan, panahon natin ito...tayo ang pag-asa ng bayan.

Isigaw natin!

  © Blogger template Brooklyn by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP